Kaya marahil kayo kaya, kung tumalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol ng ugnayan sa mga kaanak ninyo? Muḥammad 47:22 ⧉
Tafsīr:
Nananaig sa kalagayan ninyo kung umayaw kayo sa pananampalataya kay Allāh at pagtalima sa Kanya na kayo ay manggugulo sa lupa dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway at magpuputul-putol sa mga bigkis ng pagkakamag-anak gaya ng kalagayan ninyo dati sa Panahon ng Kamangmangan.