Ang mga iyon ay ang mga isinumpa ni Allāh, kaya bumingi Siya sa kanila at bumulag Siya sa mga paningin nila [sa katotohanan]. Muḥammad 47:23 ⧉
Tafsīr:
Ang mga nailarawang iyon sa panggugulo sa lupa at pagpuputul-putol sa mga ugnayang pangkaanak ay ang mga inilayo ni Allāh sa awa Niya. Bumingi Siya sa mga tainga nila palayo sa pakikinig sa katotohanan ayon sa pakikinig ng pagtanggap at pagpapasakop, at bumulag Siya sa mga paningin nila palayo sa pagkakita nito ayon sa pagkakita ng pagsasaalang-alang.