Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Muḥammad — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Muḥammad • Talata 26 sa 38 • Tagalog


ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَالُوا لِلَّذِينَ كَرِهُوا مَا نَزَّلَ اللَّهُ سَنُطِيعُكُمْ فِي بَعْضِ الْأَمْرِ ۖ وَاللَّهُ يَعْلَمُ إِسْرَارَهُمْ 26
Pagsasalin:
Iyon ay dahil sila ay nagsabi sa mga nasuklam sa [Qur’ān na] ibinaba ni Allāh: “Tatalima kami sa inyo sa ilan sa usapin,” samantalang si Allāh ay nakaaalam sa paglilihim nila. Muḥammad 47:26
Tafsīr:
Ang pagliligaw na naganap na iyon sa kanila ay dahilan sa sila ay nagsabi nang palihim sa mga tagapagtambal na nasuklam sa ibinaba ni Allāh sa Sugo Niya na kasi: "Tatalima kami sa inyo sa ilan sa usapin gaya ng pagpapahina ng loob sa pakikipaglaban." Si Allāh ay nakaaalam sa inililihim nila at ikinukubli nila: walang nakakukubli sa Kanya na anuman, kaya naghahayag Siya ng anumang niloob Niya mula rito sa Sugo Niya – basbasan Niya ang Propeta at batiin ng kapayapaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Muḥammad • Talata 25 Susunod Muḥammad • Talata 27