Kaya papaano kapag bumawi sa kanila ang mga anghel habang pumapalo ang mga ito sa mga mukha nila at mga likod nila? Muḥammad 47:27 ⧉
Tafsīr:
Kaya papaano mo makikita ang kasasadlakan nila na pagdurusa at kalagayang karumal-dumal na sasapitin nila kapag kinuha ang mga kaluluwa nila ng mga anghel na nakatalaga sa pagkuha ng mga kaluluwa habang pumapalo ang mga ito sa mga mukha nila at mga likod nila sa pamamagitan ng mga pangawil na bakal?