Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Muḥammad — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Muḥammad • Talata 28 sa 38 • Tagalog


ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمُ اتَّبَعُوا مَا أَسْخَطَ اللَّهَ وَكَرِهُوا رِضْوَانَهُ فَأَحْبَطَ أَعْمَالَهُمْ 28
Pagsasalin:
Iyon ay dahil sila ay sumunod sa nagpainis kay Allāh at nasuklam sila sa pagkalugod Niya kaya nagpawalang-kabuluhan Siya sa mga gawa nila. Muḥammad 47:28
Tafsīr:
Ang pagdurusang iyon ay dahilan sa sila ay sumunod sa lahat ng nagpagalit kay Allāh sa kanila gaya ng kawalang-pananampalataya, pagpapaimbabaw, at pagsalungat kay Allāh at sa Sugo Niya, at nasuklam sila sa nakapagpapalapit sa kanila sa Panginoon Nila at nagpapadapo sa kanila ng pagkalugod Niya gaya ng pananampalataya sa Kanya at pagsunod sa Sugo Niya kaya nagpawalang-saysay Siya sa mga gawa nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Muḥammad • Talata 27 Susunod Muḥammad • Talata 29