Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥujurāt — Talata 9 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥujurāt • Talata 9 sa 18 • Tagalog


وَإِنْ طَائِفَتَانِ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ اقْتَتَلُوا فَأَصْلِحُوا بَيْنَهُمَا ۖ فَإِنْ بَغَتْ إِحْدَاهُمَا عَلَى الْأُخْرَىٰ فَقَاتِلُوا الَّتِي تَبْغِي حَتَّىٰ تَفِيءَ إِلَىٰ أَمْرِ اللَّهِ ۚ فَإِنْ فَاءَتْ فَأَصْلِحُوا بَيْنَهُمَا بِالْعَدْلِ وَأَقْسِطُوا ۖ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُقْسِطِينَ 9
Pagsasalin:
Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-away-away ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa; ngunit kung lumabag ang isa sa dalawa sa iba ay kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito [at tumigil ito sa pangangaway] ay magpayapa kayo sa pagitan ng dalawa ayon sa katarungan at magpakamakatarungan kayo; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga nagpapakamakatarungan. Al-Ḥujurāt 49:9
Tafsīr:
Kung may dalawang pangkat kabilang sa mga mananampalataya na nag-awayan ay magpayapa kayo, O mga mananampalataya, sa pagitan ng dalawa sa pamamagitan ng pag-anyaya sa dalawang panig sa paghahatol ng batas ni Allāh kaugnay sa sigalot ng dalawa. Ngunit kung tumanggi ang isa sa dalawa sa pakikipagpayapaan at lumabag, kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kahatulan ni Allāh. Kaya kung bumalik ito sa kahatulan ni Allāh, magpayapa kayo sa dalawa ayon sa katarungan at pagkakapantay. Magmakatarungan kayo sa hatol ninyo sa dalawa; tunay na si Allāh ay umiibig sa mga makatarungan sa kahatulan nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥujurāt • Talata 8 Susunod Al-Ḥujurāt • Talata 10