[Banggitin] noong nagkasi Ako sa mga disipulo, na [nagsasabi]: “Sumampalataya kayo sa Akin at sa Sugo Ko” ay nagsabi sila: “Sumampalataya kami at sumaksi Ka na kami ay mga Muslim.” Al-Mā’idah 5:111 ⧉
Tafsīr:
Bumanggit ka ng kabilang sa ibiniyaya ko sa iyo na nagkaloob Ako sa iyo ng mga katulong nang nagpahiwatig Ako sa mga disipulo na sumampalataya sila sa Akin at sa iyo kaya nagpaakay naman sila roon, tumugon, at nagsabi: "Sumampalataya kami at sumaksi Ka, O Panginoon namin, na kami ay mga sumusuko sa Iyo, mga nagpapaakay."