Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 112 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 112 sa 120 • Tagalog


إِذْ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ يَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ هَلْ يَسْتَطِيعُ رَبُّكَ أَنْ يُنَزِّلَ عَلَيْنَا مَائِدَةً مِنَ السَّمَاءِ ۖ قَالَ اتَّقُوا اللَّهَ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ 112
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi ang mga disipulo: “O Jesus na anak na Maria, makakakaya kaya ang Panginoon mo na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?” ay nagsabi siya: “Mangilag kayong magkasala kay Allāh kung kayo ay mga mananampalataya.” Al-Mā’idah 5:112
Tafsīr:
Bumanggit ka noong nagsabi ang mga disipulo: "O Jesus na anak ni Maria, makakakaya kaya ang Panginoon mo, kapag dumalangin ka sa Kanya, na magpababa sa atin ng isang hapag mula sa langit?" Kaya sumagot sa kanila si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pag-uutos sa kanila ng pangingilag sa pagkakasala kay Allāh at ng pagtigil ng paghiling ng hiningi nila yayamang baka may dulot itong isang tukso sa kanila. Nagsabi siya sa kanila: "Manalig kayo sa Panginoon ninyo sa paghiling ng panustos kung kayo ay mga mananampalataya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 111 Susunod Al-Mā’idah • Talata 113