Talagang kung nag-abot ka sa akin ng kamay mo upang pumatay sa akin, ako ay hindi mag-aabot ng kamay ko sa iyo upang pumatay sa iyo. Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh, na Panginoon ng mga nilalang. Al-Mā’idah 5:28 ⧉
Tafsīr:
Talagang kung pagbubuhatan mo ako ng kamay, na naglalayon ng pagpatay sa akin, ako ay hindi gaganti sa iyo ng tulad sa gawain mo. Iyon ay hindi isang karuwagan mula sa akin bagkus ako ay nangangamba kay Allāh, na Panginoon ng mga nilikha."