Tunay na ako ay nagnanais na bumalik ka kalakip ng kasalanan ko at kasalanan mo para ikaw ay maging kabilang sa mga maninirahan sa Apoy. Iyon ay ganti sa mga tagalabag sa katarungan.” Al-Mā’idah 5:29 ⧉
Tafsīr:
Kaya nagsabi pa si Abel kay Cain habang naninindak: "Tunay na ako ay nagnanais na bumalik ka kalakip ng kasalanan ng pagpatay sa akin, dala ng kawalang-katarungan at paglabag, karagdagan sa mga kasalanan mong nauna para ikaw ay maging kabilang sa mga maninirahan sa Apoy, na papasok doon sa Araw ng Pagbangon. Ang ganting iyon ay ang ganti sa mga lumalabag. Ako ay hindi nagnanais na bumalik kalakip ng kasalanan ng pagpatay sa iyo para ako ay maging kabilang sa kanila."