Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 72 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 72 sa 120 • Tagalog


لَقَدْ كَفَرَ الَّذِينَ قَالُوا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْمَسِيحُ ابْنُ مَرْيَمَ ۖ وَقَالَ الْمَسِيحُ يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ اعْبُدُوا اللَّهَ رَبِّي وَرَبَّكُمْ ۖ إِنَّهُ مَنْ يُشْرِكْ بِاللَّهِ فَقَدْ حَرَّمَ اللَّهُ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ وَمَأْوَاهُ النَّارُ ۖ وَمَا لِلظَّالِمِينَ مِنْ أَنْصَارٍ 72
Pagsasalin:
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay ang Kristo na anak ni Maria,” samantalang nagsabi ang Kristo: “O mga anak ni Israel, sumamba kayo kay Allāh, na Panginoon ko at Panginoon ninyo.” Tunay na ang sinumang nagtatambal kay Allāh ay nagkait nga si Allāh sa kanya ng Paraiso at ang kanlungan niya ay ang Apoy. Walang ukol sa mga tagalabag sa katarungan na mga tagaadya. Al-Mā’idah 5:72
Tafsīr:
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga Kristiyanong nagsasabing si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria dahil sa pag-uugnay nila ng pagkadiyos sa iba pa kay Allāh gayong ang Kristo na anak ni Maria mismo ay nagsabi sa kanila: "O mga anak ni Israel, sumamba kayo kay Allāh lamang sapagkat Siya ay Panginoon ko at Panginoon ninyo at tayo sa pagkaalipin sa Kanya ay magkapantay." Iyon ay dahil ang sinumang nagtatambal kay Allāh ng iba pa sa Kanya, tunay na si Allāh ay nagkait nga sa kanya sa pagpasok sa Paraiso magpakailanman. Ang paglalagyan niya ay Apoy ng Impiyerno. Walang ukol sa kanya na tagapag-adya sa ganang kay Allāh ni tagatulong ni tagasagip na sasagip sa kanya mula sa naghihintay sa kanya na pagdurusa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 71 Susunod Al-Mā’idah • Talata 73