Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsabi: “Tunay na si Allāh ay ikatlo ng tatlo.” Walang anumang Diyos maliban sa nag-iisang Diyos. Kung hindi sila titigil sa sinasabi nila ay talagang dadapuan nga ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa kanila ng isang pagdurusang masakit. Al-Mā’idah 5:73 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga Kristiyanong nagsasabi: "Tunay na si Allāh ay binubuo ng tatlo: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo." Pagkataas-taas si Allāh kaysa sa sabi nila ayon sa kataasang malaki. Si Allāh ay hindi marami. Siya ay nag-iisang Diyos lamang; walang katambal sa Kanya. Kung hindi sila titigil sa karumal-dumal na pinagsasabing ito ay talagang may aabot sa kanila na isang pagdurusang nakasasakit.