Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mā’idah — Talata 87 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mā’idah • Talata 87 sa 120 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُحَرِّمُوا طَيِّبَاتِ مَا أَحَلَّ اللَّهُ لَكُمْ وَلَا تَعْتَدُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ 87
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong magbawal ng mga kaaya-ayang ipinahintulot ni Allāh para sa inyo at huwag kayong lumabag. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga tagalabag. Al-Mā’idah 5:87
Tafsīr:
O mga sumampalataya, huwag kayong magbawal ng mga minamasarap na pinapayagan gaya ng mga pagkain, mga inumin, at mga pag-aasawa. Huwag kayong magbawal ng mga ito dala ng pagkakasya sa kaunti o pagkamananamba. Huwag kayong lumampas sa mga hangganan ng ipinagbawal ni Allāh sa inyo. Tunay na si Allāh ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya, bagkus napupuot Siya sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mā’idah • Talata 86 Susunod Al-Mā’idah • Talata 88