Kumain kayo mula sa itinustos sa inyo ni Allāh bilang ipinahintulot na kaaya-aya. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na kayo ay sa Kanya mga mananampalataya. Al-Mā’idah 5:88 ⧉
Tafsīr:
Kumain kayo mula sa inakay ni Allāh sa inyo mula sa panustos Niya sa kalagayan ng pagiging ipinahintulot na kaaya-aya nito, hindi kung ito ay ipinagbabawal gaya ng nakuha dahil sa pangangamkam o sa minamasamang paraan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya ang sinasampalatayanan ninyo at ang pananampalataya ninyo sa Kanya ay nag-oobliga sa inyo na mangilag kayong magkasala sa Kanya.