Hindi magpapanagot sa inyo si Allāh dahil sa pagkadulas sa mga panunumpa ninyo subalit magpapanagot Siya sa inyo dahil sa [pagsira ng] isinagawa ninyo na mga panunumpa. Kaya ang panakip-sala niyon ay ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa ipinakakain ninyo sa mag-anak ninyo o ang pagpapadamit sa kanila o ang pagpapalaya sa isang alipin, ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay pag-aayuno ng tatlong araw. Iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo kapag nanumpa kayo. Pag-ingatan ninyo ang mga panunumpa ninyo. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat. Al-Mā’idah 5:89 ⧉
Tafsīr:
Hindi magtutuos sa inyo si Allāh, O mga mananampalataya, sa nangyayari sa mga dila ninyo na panunumpa nang hindi sadyaan. Magtutuos lamang Siya sa inyo dahil sa [panunumpang] nagpasya kayo niyon, nagbigkis kayo sa mga puso [ninyo] roon, at nagsinungaling kayo [matapos ng panunumpa]. Kaya papawi Siya sa inyo ng kasalanan ng pinagpasyahan ninyo na mga panunumpa at binigkas ninyo nang nagsinungaling kayo. [Ang panakip-sala ay] isa sa tatlong bagay ayon sa pipiliin: ang pagpapakain sa sampung dukha ng katamtaman sa pagkain ng mga naninirahan sa bayan ninyo: para sa bawat dukha ay kalahating Sā`, o ang pagpapadamit sa kanila ng itinuturing sa kaugalian bilang damit, o ang pagpapalaya sa isang aliping mananampalataya. Ngunit kapag hindi nakatagpo ang nagtatakip-sala sa panunumpa niya ng isa sa tatlong bagay na ito, magtatakip-sala siya rito sa pamamagitan ng pag-aayuno nang tatlong araw. Ang nabanggit na iyon ay panakip-sala sa mga panunumpa ninyo, O mga mananampalataya, kapag nanumpa kayo kay Allāh at nagsinungaling kayo [matapos ng panunumpa]. Mangalaga kayo sa mga panunumpa ninyo laban sa pagsumpa kay Allāh nang pasinungaling, laban sa kadalasan ng panunumpa kay Allāh, at laban sa kawalan ng pagtupad sa panunumpa hanggat ang kawalan ng pagtupad ay hindi mabuti. Kaya gumawa kayo ng kabutihan at magtakip-sala kayo sa mga panunumpa ninyo gaya ng nilinaw ni Allāh sa inyo na panakip-sala sa mga [sinirang] panunumpa. Naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga kahatulan Niyang tagapaglinaw sa ipinahihintulot at ipinagbabawal, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh dahil nagturo Siya sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman.