Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba.” Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa [pagsilang ni Isaac na] isang batang lalaking maalam. Adh-Dhāriyāt 51:28 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong hindi sila kumain, nagkimkim siya sa sarili niya ng pangamba sa kanila ngunit nakatalos sila sa kanya kaya nagsabi sila habang mga nagpapanatag sa kanya: "Huwag kang mangamba; tunay na kami ay mga sugo mula sa ganang kay Allāh." Nagpabatid sila sa kanya ng ikinagagalak niya, na siya ay magkakaanak ng isang batang lalaking may maraming kaalaman. Ang ibinalitang nakagagalak ay si Isaac – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan.