Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw [sa tuwa] saka tinampal nito ang mukha nito [sa pagtataka] at nagsabi: “Matandang babaing baog [ako]!” Adh-Dhāriyāt 51:29 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong narinig ng maybahay niya ang balitang nakasisiya, lumapit ito habang sumisigaw sa tuwa, saka tinampal nito ang mukha nito at nagsabi habang nagtataka: "Manganganak ba ang isang matandang babae gayong siya sa simula pa ay isang baog?"