Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ayon sa anumang ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ayon sa pinakamaganda. An-Najm 53:31 ⧉
Tafsīr:
Sa kay Allāh lamang ang anumang nasa mga langit at sa Kanya ang anumang nasa lupa sa paghahari, paglikha, at pangangasiwa upang gumanti Siya sa mga nagpasagwa sa mga gawain nila sa Mundo ng anumang magiging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa, at gumanti Siya ng Paraiso sa mga mananampalataya na nagpaganda sa mga gawa nila.