Ang mga umiiwas sa mga malaki sa kasalanan at mga mahalay maliban sa mga kasalanang maliit, tunay na ang Panginoon mo ay malawak ang kapatawaran. Siya ay higit na maalam sa inyo noong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa lupa at noong kayo ay mga bilig sa mga tiyan ng mga ina ninyo. Kaya huwag kayong magbusilak ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala. An-Najm 53:32 ⧉
Tafsīr:
Ang mga lumalayo sa mga malaki sa mga pagkakasala at mga pangit sa mga pagsuway maliban sa mga maliit sa mga pagkakasala – sapagkat ang mga ito ay pinatatawad sa pamamagitan ng pagtigil sa mga malaking kasalanan at pagpaparami ng mga pagtalima – tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay malawak ang pagpapatawad: nagpapatawad Siya ng mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kapag nagbalik-loob sila mula sa mga iyon. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay higit na maalam sa mga kalagayan ninyo at mga pumapatungkol sa inyo nang lumikha Siya sa ama ninyong si Adan mula sa alabok at nang kayo dati ay mga dinadala sa mga tiyan ng mga ina ninyo habang nililikha kayo sa isang paglikha matapos ng isang pagkakalikha. Walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Kaya huwag kayong magmapuri sa mga sarili ninyo sa pamamagitan ng pagbubunyi sa mga ito ng pagtataglay ng pangingilag sa pagkakasala (taqwā) sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.