Napalapit ang Huling Sandali at nabiyak ang buwan [sa dalawa]. Al-Qamar 54:1 ⧉
Tafsīr:
Napalapit ang pagdating ng Huling Sandali at nabiyak ang buwan sa panahon ng Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Ang pagkabiyak ng buwan ay kabilang sa mga pisikal na himala niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan.