Kung makakikita sila [na mga tagatangging sumampalataya] ng isang himala ay aayaw sila at magsasabi sila: “Isang panggagaway na nagpapatuloy.” Al-Qamar 54:2 ⧉
Tafsīr:
Kung makakita ang mga tagapagtambal ng isang patunay at isang patotoo sa katapatan niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay aayaw sila sa pagtanggap nito at magsasabi sila: "Ang nasaksihan namin na mga katwiran at mga patotoo ay isang panggagaway na bulaan."