Nagpasinungaling sila [sa Qur’ān] at sumunod sila sa mga pithaya nila. Bawat bagay ay mananahan. Al-Qamar 54:3 ⧉
Tafsīr:
Nagpasinungaling sila sa dumating sa kanila na katotohanan at sumunod sila sa mga pithaya nila sa pagpapasinungaling. Bawat bagay – kabutihan o kasamaan – ay magaganap ayon sa magiging karapat-dapat dito sa Araw ng Pagbangon.