Tunay na Kami ay magsusugo ng dumalagang kamelyo bilang tukso para sa kanila, kaya mag-antabay ka sa kanila at magtiyaga ka. Al-Qamar 54:27 ⧉
Tafsīr:
Tunay na Kami ay magpapalabas ng dumalagang kamelyo mula sa bato at magpapadala nito bilang pagsubok para sa kanila, kaya maghintay ka, o Ṣāliḥ, magmasid ka sa gagawin nila rito at sa gagawin sa kanila, at magtiis ka sa pananakit nila.