Magbalita ka sa kanila na ang tubig ay binabahagi sa pagitan nila; bawat pag-inom ay halinhinan. Al-Qamar 54:28 ⧉
Tafsīr:
Magpabatid ka sa kanila na ang tubig ng balon nila ay ibinahagi sa pagitan nila at ng dumalagang kamelyo: isang araw para rito at isang araw para sa kanila. Bawat bahagi ay dadaluhan ng kinauukulan nito lamang sa araw nitong nakalaan dito.