Nagtakda si Allāh: “Talagang mananaig nga Ako mismo at ang mga sugo Ko.” Tunay na si Allāh ay Malakas, Makapangyarihan. Al-Mujādilah 58:21 ⧉
Tafsīr:
Nagtadhana si Allāh sa nauna sa kaalaman Niya: "Talagang magwawagi nga Ako mismo at ang mga sugo Ko laban sa mga kaaway Namin sa pamamagitan ng katwiran at lakas." Tunay na si Allāh ay Malakas sa pag-aadya sa mga sugo Niya, Makapangyarihan na maghihiganti sa mga kaaway nila.