Tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang pupunta, at kayo ay hindi mga makapagpapahina. Al-An‘ām 6:134 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang ipinangangako sa inyo, O mga tagatangging sumampalataya, na pagbubuhay, pagtitipon, pagtutuos, at parusa ay talagang darating na hindi maiiwasan. Hindi kayo makalulusot sa Panginoon ninyo sa pamamagitan ng pagtakas sapagkat Siya ay hahawak sa mga buhok ng bumbunan ninyo at magpaparusa sa inyo sa pamamagitan ng parusa Niya.