Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 135 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 135 sa 165 • Tagalog


قُلْ يَا قَوْمِ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّي عَامِلٌ ۖ فَسَوْفَ تَعْلَمُونَ مَنْ تَكُونُ لَهُ عَاقِبَةُ الدَّارِ ۗ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ 135
Pagsasalin:
Sabihin mo: “O mga tao ko, gumawa kayo ayon sa paraan ninyo; tunay na ako ay gumagawa; saka malalaman ninyo kung sino ang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan [ng Kabilang-buhay]. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.” Al-An‘ām 6:135
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao ko, manatili kayo sa pamamaraan ninyo at anumang kayo ay nariyan gaya ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw sapagkat napagpaumanhinan na ako at naglahad na ako ng katwiran sa inyo sa pamamagitan ng pagpapaabot na malinaw, kaya ako ay hindi pumapansin sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagkaligaw ninyo bagkus mananatili ako sa anumang ako ay nariyan gaya ng katotohanan. Saka malalaman ninyo kung sino ang magkakaroon ng pag-aadya sa Mundo, sino ang magmamana ng lupa, at sino ang pag-uukulan ng tahanan sa Kabilang-buhay. Tunay na hindi magtatamo ang mga tagapagtambal: hindi sa Mundo at hindi sa Kabilang-buhay. Bagkus ang kahihinatnan nila ay ang pagkalugi, kahit pa nagtamasa sila ng tinamasa nila sa Mundo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 134 Susunod Al-An‘ām • Talata 136