Bagkus sa Kanya kayo dadalangin saka papawi Siya sa idinadalangin ninyo sa Kanya kung niloob Niya at kakalimutan ninyo ang itinatambal ninyo. Al-An‘ām 6:41 ⧉
Tafsīr:
Ang totoo ay na kayo ay hindi dadalangin sa sandaling iyon sa iba pa kay Allāh na lumikha sa inyo para magbaling Siya palayo sa inyo ng kasawian at mag-alis Siya sa inyo ng pinsala kung niloob Niya sapagkat Siya ay ang karapat-dapat doon at ang nakakakaya niyon. Hinggil naman sa mga sinasamba ninyo na itinambal ninyo kasama kay Allāh, mag-iiwan kayo ng mga ito dahil sa pagkakaalam ninyo na ang mga ito ay hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala.