Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 42 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 42 sa 165 • Tagalog


وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا إِلَىٰ أُمَمٍ مِنْ قَبْلِكَ فَأَخَذْنَاهُمْ بِالْبَأْسَاءِ وَالضَّرَّاءِ لَعَلَّهُمْ يَتَضَرَّعُونَ 42
Pagsasalin:
Talaga ngang nagsugo Kami [ng mga sugo] sa mga kalipunan bago mo pa saka nagpataw Kami sa kanila ng kadahupan at kariwaraan, nang sa gayon sila ay magpapakumbaba. Al-An‘ām 6:42
Tafsīr:
Talaga ngang nagpadala Kami sa mga kalipunan bago mo pa, O Sugo, ng mga sugo ngunit nagpasinungaling sila sa mga ito at umayaw sila sa inihatid ng mga ito sa kanila kaya nagparusa Siya sa kanila ng mga sigalot gaya ng karalitaan at ng nakapipinsala sa mga katawan nila gaya ng karamdaman upang magpasailalim sila sa Panginoon nila at magpakaaba sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 41 Susunod Al-An‘ām • Talata 43