Sabihin mo: “Naisaalang-alang ba sa inyo kung pumunta sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh nang biglaan o lantaran? [May] ipinahahamak pa kaya kundi ang mga taong tagalabag sa katarungan?” Al-An‘ām 6:47 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Magpabatid kayo sa akin kung dumating sa inyo ang pagdurusa mula kay Allāh nang biglaan nang walang pagkadama nito mula sa inyo, o dumating ito sa inyo nang hayagang lantaran sa mga mata sapagkat tunay na walang kinukuha sa pamamagitan ng pagdurusang iyon kundi ang mga tagalabag sa katarungan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling sa mga sugo Niya."