Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 48 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 48 sa 165 • Tagalog


وَمَا نُرْسِلُ الْمُرْسَلِينَ إِلَّا مُبَشِّرِينَ وَمُنْذِرِينَ ۖ فَمَنْ آمَنَ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ 48
Pagsasalin:
Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Kaya ang sinumang sumampalataya at nagsaayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. Al-An‘ām 6:48
Tafsīr:
Hindi Kami nagsugo ng mga sugo Namin kundi upang magpabatid sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima ng magpapagalak sa kanila na kaginhawahang mananatili, na hindi mauubos ni mapuputol, at upang magpangamba sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway sa parusa Naming matindi. Kaya ang mga sumampalataya sa mga sugo at nagpakatuwid sa gawain nila ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay nila ni sila ay malulungkot at manghihinayang sa anumang nakaalpas sa kanila mula sa mga kapalarang pangmundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 47 Susunod Al-An‘ām • Talata 49