Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 65 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 65 sa 165 • Tagalog


قُلْ هُوَ الْقَادِرُ عَلَىٰ أَنْ يَبْعَثَ عَلَيْكُمْ عَذَابًا مِنْ فَوْقِكُمْ أَوْ مِنْ تَحْتِ أَرْجُلِكُمْ أَوْ يَلْبِسَكُمْ شِيَعًا وَيُذِيقَ بَعْضَكُمْ بَأْسَ بَعْضٍ ۗ انْظُرْ كَيْفَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ لَعَلَّهُمْ يَفْقَهُونَ 65
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Siya ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusa mula sa ibabaw ninyo o mula sa ilalim ng mga paa ninyo, o na magpalito sa inyo [para maging] mga pangkatin at magpalasap sa ilan sa inyo ng karahasan ng iba pa.” Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, nang sa gayon sila ay makauunawa. Al-An‘ām 6:65
Tafsīr:
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Si Allāh ay ang Nakakakaya na magpadala sa inyo ng isang pagdurusang darating sa inyo mula sa ibabaw ninyo tulad ng mga bato, mga lintik, at mga baha; o darating sa inyo mula sa ilalim ninyo tulad ng mga lindol at paglamon ng lupa; o na magpasalungat sa mga puso ninyo saka susunod ang bawat isa sa inyo sa pithaya niya kaya maglalaban ang isa't isa sa inyo." Magmuni-muni ka, O Sugo, kung papaano Kaming nag-uuri-uri para sa kanila ng mga patunay at mga patotoo at naglilinaw ng mga ito, nang sa gayon sila ay makaiintindi na ang inihatid mo ay katotohanan at na ang taglay nila ay kabulaanan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 64 Susunod Al-An‘ām • Talata 66