Nagpasinungaling dito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanan [mula kay Allāh]. Sabihin mo: “Hindi ako sa inyo isang pinananaligan.” Al-An‘ām 6:66 ⧉
Tafsīr:
Nagpasinungaling sa Qur'ān na ito ang mga tao mo gayong ito ay ang katotohanang walang pag-aalangan hinggil sa pagiging mula sa ganang kay Allāh. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ako isang inaatangan ng pagmamasid sa inyo sapagkat walang iba ako kundi isang tagababala sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi."