Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Taḥrīm — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

At-Taḥrīm • Talata 11 sa 12 • Tagalog


وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا لِلَّذِينَ آمَنُوا امْرَأَتَ فِرْعَوْنَ إِذْ قَالَتْ رَبِّ ابْنِ لِي عِنْدَكَ بَيْتًا فِي الْجَنَّةِ وَنَجِّنِي مِنْ فِرْعَوْنَ وَعَمَلِهِ وَنَجِّنِي مِنَ الْقَوْمِ الظَّالِمِينَ 11
Pagsasalin:
Naglahad si Allāh ng isang paghahalintulad, para sa mga sumampalataya, sa maybahay ni Paraon noong nagsabi siya: “Panginoon ko, magpatayo Ka para sa akin sa piling Mo ng isang bahay sa Paraiso, magligtas Ka sa akin laban kay Paraon at sa [karumal-dumal na] gawain niya, at magligtas Ka sa akin laban sa mga taong tagalabag sa katarungan.” At-Taḥrīm 66:11
Tafsīr:
Naglahad si Allāh ng isang paghahalimbawa, para sa mga sumampalataya sa Kanya at sa mga sugo Niya, na ang pagkakaugnay nila sa mga tagatangging sumampalataya ay hindi nakapipinsala sa kanila at hindi nakaaapekto sa kanila hanggat sila ay mga nananatiling matatag sa katotohanan sa anumang kalagayan. [Ang paghahalimbawa ay] sa maybahay ni Paraon nang nagsabi siya: "O Panginoon ko, magpatayo Ka para sa akin ng isang bahay sa piling Mo sa Paraiso. Paligtasin Mo ako laban sa paniniil ni Paraon, kapamahalaan niya, at mga gawain niyang masagwa. Paligtasin Mo ako laban sa mga taong tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pakikipagsunuran nila sa kanya sa pagmamalabis niya at paglabag niya sa katarungan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Taḥrīm • Talata 10 Susunod At-Taḥrīm • Talata 12