Talaga ngang nagpasinungaling ang mga bago pa nila, kaya papaano naging [kakila-kilabot] ang pagtutol Ko? Al-Mulk 67:18 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna sa mga tagapagtambal na ito kaya bumaba sa kanila ang pagdurusang dulot ni Allāh noong nagpumilit sila sa kawalang-pananampalataya nila at pagpapasinungaling nila, kaya papaano naging ang pagtutol Ko sa kanila? Talaga ngang iyon ay naging isang pagtutol na matindi.