Hindi ba sila nakakita sa mga ibon sa ibabaw nila habang mga nakabuka [ang mga pakpak] at nagtitiklop [ng mga pakpak]? Walang pumipigil sa mga iyon kundi [si Allāh,] ang Napakamaawain. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita. Al-Mulk 67:19 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba nakasaksi ang mga tagapagpasinungaling na ito sa mga ibon sa ibabaw nila sa sandali ng paglipad ng mga iyon, na naglaladlad ng mga pakpak sa himpapawid minsan at nagkikipkip ng mga ito minsan pa? Walang pumipigil sa mga iyon na bumagsak sa lupa kundi si Allāh. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman.