O sino itong isang hukbo para sa inyo na mag-aadya sa inyo bukod pa sa Napakamaawain [na si Allāh]? Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkalinlang. Al-Mulk 67:20 ⧉
Tafsīr:
Walang isang hukbo para sa inyo, O mga tagatangging sumampalataya, na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kung nagnais Siya na pagdusahin kayo. Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi mga nadadaya; nandaya sa kanila ang demonyo kaya nalinlang sila dahil sa kanya.