Ngunit kapag nakakita sila nito sa kalapitan ay sasagwa ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya at sasabihin: “Ito ang dati ninyong pinananawagan.” Al-Mulk 67:27 ⧉
Tafsīr:
Ngunit kapag dumapo sa kanila ang pangako at nakita nila ang pagdurusa nang malapit sa kanila, at iyon ay sa Araw ng Pagbangon, mag-iiba ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh saka mangingitim. Sasabihin sa kanila: "Ito ang dati ninyong hinihiling sa Mundo at minamadali."