Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mulk — Talata 28 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mulk • Talata 28 sa 30 • Tagalog


قُلْ أَرَأَيْتُمْ إِنْ أَهْلَكَنِيَ اللَّهُ وَمَنْ مَعِيَ أَوْ رَحِمَنَا فَمَنْ يُجِيرُ الْكَافِرِينَ مِنْ عَذَابٍ أَلِيمٍ 28
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung nagpahamak sa akin si Allāh at sa sinumang kasama sa akin o naawa Siya sa amin, sino ang kakalinga sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang masakit?” Al-Mulk 67:28
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na tagapagpasinungaling na ito habang nagmamasama sa kanila: "Magpabatid kayo sa akin! Kung nagpapanaw sa akin si Allāh at nagpapanaw Siya sa sinumang kasama sa akin kabilang sa mga mananampalataya o naawa Siya sa amin kaya nagpaliban sa mga taning namin, sino ang magliligtas sa mga tagatangging sumampalataya mula sa isang pagdurusang nakasasakit? Walang magliligtas sa kanila mula roon na isa man."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mulk • Talata 27 Susunod Al-Mulk • Talata 29