Sabihin mo: “Siya ay ang Napakamaawain; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya kami nanalig. Kaya makaaalam kayo kung sino ang nasa isang pagkaligaw na malinaw.” Al-Mulk 67:29 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Siya ay ang Napakamaawain na nag-aanyaya sa inyo sa pagsamba sa Kanya lamang; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya lamang kami sumandal sa mga nauukol sa amin. Kaya makaaalam kayo nang walang pasubali kung sino ang nasa isang pagkaligaw na maliwanag mula sa kung sino ang nasa isang landasing tuwid."