sapagkat sumuway sila sa sugo ng Panginoon nila, kaya dumaklot Siya sa kanila sa isang pagdaklot na lumulubha. Al-Ḥāqqah 69:10 ⧉
Tafsīr:
sapagkat sumuway ang bawat isa kabilang sa kanila sa sugo Niya na ipinadala Niya sa kanila, at nagpasinungaling sila roon kaya dumaklot sa kanila si Allāh sa isang pagdaklot na nakadaragdag sa nagpapalubos ng kapahamakan nila.