Tunay na Kami, noong umapaw ang tubig, ay nagdala sa inyo sa nagpapatianod Al-Ḥāqqah 69:11 ⧉
Tafsīr:
Tunay na Kami, noong lumampas ang tubig sa kataasan sa hangganan nito, ay nagdala sa mga taong kayo ay nasa mga gulugod nila sa daong na nagpapatianod na niyari ni Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ayon sa utos Namin, kaya iyon ay naging isang pagdadala para sa inyo.