Hindi ba napaglinawan para sa mga nagmamana ng lupa matapos na ng mga [naunang] naninirahan dito na kung sakaling niloloob Namin ay nagpasakit sana Kami sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila? Nagpipinid Kami sa mga puso nila kaya sila ay hindi nakaririnig. Al-A‘rāf 7:100 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba luminaw para sa mga itatalagang kahalili sa lupa matapos ng pagpapahamak sa mga ninuno nila kabilang sa mga kalipunan dahilan sa mga pagkakasala ng mga iyon, pagkatapos hindi sila nagsaalang-alang sa dumapo sa mga iyon, bagkus ginawa nila ang mga gawain ng mga iyon? Hindi luminaw sa mga ito na si Allāh, kung sakaling niloob Niya na magpasakit sa kanila dahil sa mga pagkakasala nila, ay talaga sanang nagpasakit Siya sa kanila dahil sa mga ito gaya ng kalakaran Niya. Nagsasara Siya sa mga puso nila kaya naman hindi napangangaralan ang mga ito ng isang pangangaral at hindi nagpapakinabang sa mga ito ang isang paalaala.