Kaya natiwasay ba sila sa pakana ni Allāh sapagkat walang natitiwasay sa pakana ni Allāh kundi ang mga taong lugi? Al-A‘rāf 7:99 ⧉
Tafsīr:
Tumingin kayo sa ipinagkaloob ni Allāh sa kanila na pagpapalugit at sa ibiniyaya Niya sa kanila na lakas at kaluwagan sa panustos bilang panghahalina sa kanila. Kaya natiwasay ba ang mga tagapagpasinungaling na ito kabilang sa mga pamayanang iyon sa panlalansi ni Allāh at panlalalang Niyang nakakubli? Walang natitiwasay sa panlalansi ni Allāh kundi ang mga taong napahamak. Tungkol naman sa mga naituon, tunay na sila ay nangangamba sa panlalansi Niya kaya hindi sila nalilinlang dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa kanila. Nakakikita lamang sila sa kagandahang-loob Niya sa kanila kaya nagpapasalamat sila sa Kanya.