Tunay na ang mga gumawa sa guya [bilang diyos] ay may aabot sa kanila na isang galit mula sa Panginoon nila at isang kaabahan sa buhay na pangmundo. Gayon Kami gumaganti sa mga tagagawa-gawa [ng kabulaanan]. Al-A‘rāf 7:152 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ang mga gumawa sa guya bilang diyos na sinasamba nila ay may tatama sa kanila na isang matinding galit mula sa Panginoon nila at isang pagkahamak sa buhay na ito dahil sa pagpapagalit nila sa Panginoon nila at panghahamak nila sa Kanya. Sa pamamagitan ng tulad ng ganting ito gaganti si Allāh sa mga tagagawa-gawa ng kasinungalingan laban sa Kanya.