Ang mga gumawa ng mga masagwang gawa, pagkatapos nagbalik-loob matapos na niyon at sumampalataya, tunay na ang Panginoon mo, matapos na niyon, ay talagang Mapagpatawad, Maawain. Al-A‘rāf 7:153 ⧉
Tafsīr:
Ang mga gumawa ng mga masagwang gawa gaya ng pagtatambal kay Allāh at paggawa ng mga pagsuway, pagkatapos nagbalik-loob kay Allāh sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Kanya at pagtigil sa dati nilang ginagawang mga pagsuway, tunay na ang Panginoon mo, nang matapos ng pagbabalik-loob na ito at pagtalikod mula sa shirk patungo sa pananampalataya at mula sa mga pagsuway patungo sa pagtalima, ay talagang Mapagpatawad sa kanila sa pamamagitan ng pagtatakip at pagpapalampas, Maawain sa kanila.