Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay magpapain Kami sa kanila mula sa kung saan hindi nila nalalaman. Al-A‘rāf 7:182 ⧉
Tafsīr:
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin at hindi sumampalataya sa mga ito, bagkus nagkaila sila sa mga ito, ay magbubukas Kami para sa kanila ng mga pinto ng panustos hindi bilang pagpaparangal sa kanila, bagkus para sa paghahalina sa kanila upang magpatuloy sila sa taglay nilang pagkaligaw. Pagkatapos tatama sa kanila ang parusa Namin sa sandali ng kawalang-bahala.