Magpapalugit Ako para sa kanila. Tunay na ang panlalansi Ko ay matibay. Al-A‘rāf 7:183 ⧉
Tafsīr:
Magpapaliban Ako sa kanila ng kaparusahan hanggang sa magpalagay sila na sila ay hindi mga parurusahan para magpatuloy sila sa pagpapasinungaling nila at kawalang-pananampalataya nila hanggang sa pag-ibayuhin sa kanila ang pagdurusa. Tunay na ang pakana Ko ay malakas sapagkat nagpapakita Ako sa kanila ng paggawa ng maganda samantalang nagnanais Ako sa kanila ng pagkakanulo.