Hindi ba sila nag-isip-isip? Sa kasamahan nila [na si Muḥammad] ay walang anumang kabaliwan. Walang iba siya kundi isang mapagbabalang malinaw [ng parusa ni Allāh]. Al-A‘rāf 7:184 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba nag-isip-isip ang mga tagapasinungaling na ito sa mga tanda ni Allāh at sa Sugo Niya para magpagana sila ng mga isip nila upang lumiwanag sa kanila na si Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay hindi isang baliw? Siya lamang ay isang Sugo mula kay Allāh. Nagpadala sa kanya si Allāh bilang tagapagbigay-babala laban sa pagdurusang dulot ni Allāh ayon sa isang pagbibigay-babalang malinaw.