Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 198 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 198 sa 206 • Tagalog


وَإِنْ تَدْعُوهُمْ إِلَى الْهُدَىٰ لَا يَسْمَعُوا ۖ وَتَرَاهُمْ يَنْظُرُونَ إِلَيْكَ وَهُمْ لَا يُبْصِرُونَ 198
Pagsasalin:
Kung mag-aanyaya kayo sa kanila sa patnubay ay hindi sila makaririnig. Nakakikita ka sa kanila na tumitingin sa iyo samantalang sila ay hindi nakakikita. Al-A‘rāf 7:198
Tafsīr:
Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anito ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, tungo sa pagpapakatuwid ay hindi sila makaririnig sa paanyaya ninyo. Nakakikita ka sa kanila na humaharap sa iyo nang may mga matang iginuhit, na mga walang-buhay na hindi nakakikita, sapagkat sila nga noon ay niyayari bilang mga rebulto ayon sa anyo ng mga anak ni Adan o ng mga hayop. Ang mga ito ay may mga kamay, mga paa, at mga mata, subalit ang mga ito ay walang-kaluluwa, na walang buhay at walang pagkilos.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 197 Susunod Al-A‘rāf • Talata 199